^

Metro

Reklamo, suhestiyon sa Traslacion pag-aaralan para sa susunod na taon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Reklamo, suhestiyon sa Traslacion pag-aaralan para sa susunod na taon
Kinumpirma rin ni Coronel na ang katatapos na Tras­lacion ang naitalang pinakamabilis at pinakamaayos na prusisyon para sa Itim na Poong Nazareno na naaalala nila, dahil inabot lamang aniya ito ng mahigit 16-oras.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na pag-aaralan ang mga dapat pang baguhin at aksiyunang mga reklamo ng mga deboto sa naging karanasan sa katatapos lang na Traslacion 2020 para maipatupad sa mga susunod pang taon.

“We will listen to all of them. It is a learning experience for all of us. What is applicable, we could apply. What is not we have to learn from that,” ani Church rector Monsignor Hernando Coronel sa website ng Catholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP).

 Kinumpirma rin ni Coronel na ang katatapos na Tras­lacion ang naitalang pinakamabilis at pinakamaayos na prusisyon para sa Itim na Poong Nazareno na naaalala nila, dahil inabot lamang aniya ito ng mahigit 16-oras.

 Nilinaw naman ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, na hindi intensiyong pigilan ang mga deboto na makalapit sa Andas nang gawing Andas wall ang kapulisan kundi para lamang matiyak ang maayos at mapayapang prusisyon.

 Ani pa ni Coronel, “Every year we are trying to improve with the help of many agencies… this time it was smoother.”

CBCP

DOUGLAS BADONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with