Photoworld Asia 2020
MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) ang pagdaraos sa Enero 30–Peb. 4 ng Photoworld Asia 2020 (PWA) na siyang ika-34 edisyon ng taunang pandaigdig na pagtitipon ng mga photographer at photography trade show.
Sinabi ni Ms. Eduviges Y. Huang, chairperson ng FPPF na siyang organizer ng Photoworld Asia, mga batikan at multi-awarded photographer ang mga speaker sa pagtitipon ng mga photographer sa Asian Institute of Management (AIM) sa Makati City.
Ang mga speaker ay sina: Rey Sta. Ana na ang paksa ay Creating Professional Quality Wild Life Images with Field-tested Techniques; Stuart Dee, mula Canada, Travel Photography; Edwin Tuyay, My Life After Photojournalism; Alex Ruelo, Hybrid Photo/Video; Dariel at Catherine Quiogue, Seeking Zen; Betty Lalana, The Wild Side of Photography: Animal Wildlife and Pet Photography; Chris Magsino, Finding Your Passion in Photography; Amos Manlangit, A Blast From the Past: Peeking into the Arts of the Future; Edwin Suson, Jumpstart Your Financial Future; Mike Sia, Wedding & Lifestyle; Pepe Diokno, Video/Cinematography; Dalareich Polot, Social Entrepreneurship; Sarah Black, Fashion/Lifestyle; at Gaurav Chadha, mula India, Travel Photography.
Si Engr. James Singlador ng Samahang Litratista ng Rizal (SLR) isang multi-awarded photographer ang PWA 2020 chairman. Bilang event chairman, si Singlador ang overall in-charge ng mga paghahanda sa mga aktibidades ng trade show sa Glorietta Ayala Malls at ang international photographers conference sa AIM Convention Center.
Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel. 8524-7576/8524-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.
- Latest