Signal ng telcos sa erya ng Traslacion puputulin
MANILA, Philippines — Tulad sa mga nakaraan, pansamantalang puputulin ng dalawang telecommunications company ang signal ng kanilang komunikasyon sa lugar na apektado ng tradisyunal na Traslacion 2020 at mga kalapit na lugar.
Ito’y matapos atasan ang Smart at Globe Telcos ng National Telecommunications Commission (NTC) na pansamantalang tanggalan ng signal ang mobile at wifi para sa seguridad ng taunang prusisyon ng Itim na Poong Nazareno.
Nagsimula ito alas-11:00 ng kagabi (Enero 8) hanggang sa umaga ng Enero 10 o ang oras ng pagtatapos ng aktibidad.
Sa abiso ng Smart Communications, nabatid na bukod sa Maynila, inaasahan ding mawawalan ng signal ng komunikasyon ang ilang lugar sa mga kalapit na lungsod na malapit sa ruta ng prusisyon, kabilang ang Pasay, San Juan, Mandaluyong, Makati, Malabon, Caloocan, at Quezon City.
“We are also temporary stopping the operation of some of our cell sites in parts of Pasay, San Juan, Mandaluyong, Makati, Ma-labon, Caloocan and Quezon City that are near the procession route,” anito pa.
Abiso naman ng Globe Telecommunications, “In compliance with the National Telecommunications Commission (NTC) order, there will be a temporary loss of mobile, Globe at Home LTE and Prepaid WiFi signal in some parts of the city of Manila and neighboring areas during the Black Nazarene Procession from January 8, 11PM to January 10.”
Ibabalik lamang ang mga signal kung magbibigay na nang ‘go signal ang NTC sa dalawang telcos.
- Latest