^

Metro

MIAA nakahanda sa pagdagsa ng mga pasahero

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang holiday season

MANILA, Philippines — Inihayag  ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, na nakahanda sila para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pabalik ng Metro - Manila ngayon natapos na ang holiday season.

Sinabi ni Monreal, na ang ‘OPLAN Biyaheng Ayos, Pasko 2019’ ay magtatapos sa Enero 6, 2020. Magkakaroon ng mga ‘OPLAN desks’ na pangangasiwaan  ng kanyang mga tauhan  na kinabibilangan ng  MIAA Operations, Public Affairs, police, at medical team sa lahat ng mga arrival areas ng apat na NAIA Terminals. Ang Malasakit Help Desks, sa kabilang dako, ay ang focal point para sa lahat ng mga katanungan na may kaugnayan sa airport at airline operasyon at mga karapatan ng mga pasahero. Ito ay pinapatakbo ng mga empleyado ng mga kinatawan mula sa MIAA at Civil Aeronautics Board, upang tulungan ang mga pasahero sa mga isyu na tumutukoy sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights (APBR).

Noong 2019, mula Enero 1 hanggang 6, nakapagtala ang MIAA ng may 202,204 arrival domestic passengers, at 223,436 para sa mga international passengers. Sa loob lamang ng unang dalawang araw ng 2020, ang arrival domestic passengers ay naitala sa 64,736, habang ang mga numero para sa international arrival ay may 80,168 pasahero. Tumaas ng 4% ang mga domestic arrival passengers at 9% para sa international arrivals.

“Sa datos ng mga international arrivals mas maraming Pinoy ang dumarating sa paliparan galing abroad upang ipagdiwang ang holiday season. Pinakiusapan natin ang mga opisyal ng NAIA - Bureau of Immigration upang papa­sukin ang kanilang mga tauhan na magagamit sa mga petsang ito upang maiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero sa counter,” sabi ni Monreal.

Sabi ni Monreal, pinadagdagan niya ang visibility ng mga kapulisan sa arrival areas.

Panghuli sinabi nito na nakahanda ang lahat ng mga taga - MIAA na tulungan ang mga arriving passengers sa lahat ng mga terminal sa NAIA para sa kanilang seguridad at kaligtasan.

ED MONREAL

MIAA

NAIA

OPLAN BIYAHENG AYOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with