^

Metro

Mga palaboy at Aetas sa lansangan, inayudahan ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga palaboy at Aetas sa lansangan, inayudahan ni Mayor Joy Belmonte
“I have instructed SSDD to coordinate with Task Force Disiplina and DSWD to reach out to indigenous peoples (IP) and street dwellers who roam our city,” pahayag ni Belmonte.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Inayudahan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte ang may 80 street dwellers kasama na ang nga pamilyang Aeta na kinanlong ng QC  Social Services Development Department (SSDD).

“I have instructed SSDD to coordinate with Task Force Disiplina and DSWD to reach out to indigenous peoples (IP) and street dwellers who roam our city,” pahayag ni Belmonte.

Anya, ang SSDD at Task Force Disiplina ang personal na magkakaloob ng ayuda sa may 19 na  Aetas na nakuha mula sa E.Rodriguez - Kamuning Market at nabigyan ng Pamaskong Handog tulad ng basket ng  food/grocery items,  gayundin ang ilan pang street dwellers.

Naibili rin ng SSDD  ng ticket ang mga  Aetas at nakipag- ugnayan sa bus companies para makauwi na sa kanilang destinasyon.

Apat  sa anim na pamilya ay mula Porac, Pampanga at ang iba naman ay mula sa Iba, Zambales.

Sinabi ni Belmonte  na ang mga street dwellers ay nabigyan din ng pagkain at pamasahe upang makauwi na rin sa kanilang hometown. Ipinaliwanag din sa mga ito ang batas na nagpaparusa sa mga nanghihingi sa kalsada.

“Dati we’re not strict with the law, pero ngayon we will strictly enforce it. Bawal ang namamalimos especially kung dala ay mga bata. That’s child abuse,” pahayag ni  Belmonte.

Ayon sa SSDD, nadiskubre nilang ang ibang  street dwellers ay benepisyaryo ng modified conditional cash transfer program ng pamahalaan para sa mga walang tahanan at inaming sila ay namamalimos araw araw para may makain ang pamilya.

AETAS

JOY BELMONTE

SSDD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with