^

Metro

AWOL na parak dawit sa mga kaso, inaresto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AWOL na parak dawit sa mga kaso, inaresto
Kinilala ni PNP-MEG Director Colonel Ronald Oliver Lee ang nasakoteng suspect na si PO1 Christian Agliam, 30 , ng Wenmar Subdivision, Mangahan ng lungsod na ito.
AJ Bolando/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga opera­tiba ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang AWOL (Absent Without Official Leave) na parak matapos itong ireklamo ng  malversation o pagwawaldas ng pondo sa isinagawang operasyon sa Mangahan, Pasig City kamakalawa.

Kinilala ni PNP-MEG Director Colonel Ronald Oliver Lee ang nasakoteng suspect na si PO1 Christian Agliam, 30 , ng Wenmar Subdivision, Mangahan ng lungsod na ito.

Ayon sa opisyal ang suspect ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Honorio Ebora, Presiding Judge ng Municipal Trial Court (MTC), Branch 71 ng Pasig City kaugnay ng kasong malversation of public property at inirekomenda ang piyansa nito sa halagang P9,000.00.

Bandang alas -2 ng hapon nang isailalim sa kustodya ng PNP-IMEG ang suspect  kaugnay ng panibago nitong  kasong kriminal.

 Samantalang bago ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa suspect ay isinailalim ito sa masusing surveillance operation.

Nabatid na bago ito ay nasangkot na rin ang suspect sa kasong grave threat at paglabag sa Republic Act 10591 (Anti-Firearms and Ammunition Law) sa Taguig City.

Ang operasyon ay bahagi sa pinaigting na internal cleansing ng PNP.

INARESTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with