^

Metro

150 katutubo namamalimos sa lansangan sa Quezon City, sinagip

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 150 katutubo na namamasko sa mga lansangan ang sinagip ng mga tauhan ng Quezon City Task Force Disiplina.

Ito’y matapos na mag­dagsaan ang mga pamilyang katutubo simula pa noong Disyembre 18 na mula sa Lucena, Quezon at maging sa Zambales para mamalimos sa Metro Manila.

Ayon kay Rannie Ludovica, QC  Task Force Disiplina, delikado ang ginagawa ng mga katutubo sa lansangan lalo na nga’t may bitbit pang mga sanggol at bata.

Ayon sa mga katutubo, uuwi naman umano sila ngayong Pasko at nais lang nila madagdagan ang kanilang kita at panggastos para na rin sa mga bata.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na bibigyan nila ng tulong ang mga pamilyang nasagip bago sila pauwian sa kanilang mga lalawigan.

Pansamantalang dinala ang mga katutubo sa co­vered vourt ng Brgy. Batasan Hills para sa isasagawang profiling ng DSWD.

 

KATUTUBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with