^

Metro

Angkas riders nagdaos ng unity ride vs. LTFRB decision

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Angkas riders nagdaos ng unity ride vs. LTFRB decision
Libu-libong Angkas riders ang nagtipun-tipon kahapon sa White Plains, Quezon City bilang pagpapakita ng pagtutol sa desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na limitahan ang bilang ng kanilang mga riders simula sa susunod na taon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagtipun-tipon kahapon ang libu-libong Angkas riders sa White Plains, Quezon City upang iprotesta ang desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na limitahan ang bilang ng kanilang mga riders simula sa susunod na taon.

Nauna rito, nagpalabas ng desisyon ang LTFRB na naglilimita sa hanggang 10,000 lamang sa bilang ng Angkas Riders na maaaring bumiyahe sa susunod na taon.

Inaalmahan ito ng mga Angkas Riders dahil nangangahulugan anila ito na marami sa kanila ang mawawalan ng hanapbuhay kaya’t naglunsad ng kilos-protesta, na tinatawag nilang unity gathering.

Anila, sa halip na dagdagan ay binawasan pa ng LTFRB ang kanilang mga riders.

Sa ngayon anila ay mayroon silang nasa 27,000 riders kaya’t nasa 17,000 riders ang hindi na makakabiyahe sa susunod na taon kung matutuloy ang implementasyon ng kautusan ng LTFRB.

Matatandaang pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) inter-agency Technical Working Group (TWG) on motorcycle taxis ang six-month pilot run ng motorcycle ride-hailing operations, na magtatapos sana sa Disyembre 26.

Sisimulan ang pagpapatupad sa extended pilot run ngayong Lunes, Disyembre 23, at magtatagal hanggang sa Marso 20, 2020.

Kasama rin sa desisyon ang pagpayag na bumiyahe na rin ang dalawa pang bagong players na JoyRide at Move It.

Naglaan lamang naman ang LTFRB ng cap na 30,000 bikers para sa tatlong grupo o tig-10,000 bawat isa.

“Angkas, JoyRide, and Move It will participate in the Extended Pilot Implementation starting 23 December 2019 up to 23 March 2020 with an overall allotted cap of thirty-nine thousand (39,000) registered bikers ten thousand (10,000) bikers per Transport Network Company (TNC) for Metro Manila and three thousand (3,000) bikers per TNC for Metro Cebu operations,” anang desisyon.

ANGKAS

LTFRB

UNITY RIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with