Sunog sa Maynila: 200 pamilya naapektuhan
MANILA, Philippines — Mahigit sa 200 pamilya ang sinasabing nawalan ng tirahan nang masunog ang isang residential area, sa Malate, Maynila, kahapon ng hapon.
Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire, dakong alas-12:35 ng hapon nang magsimula ang sunog na umabot sa ika-limang alarma na idineklarang under control ala -1:57 ng hapon.
Isang Cocoy Soriano naman na residente ng ika-4 na palapag ng bahay sa Interior 29 Leveriza St., Malate ang iniimbestigahan ng mga awtoridad matapos iturong responsable sa sunog mula sa kaniyang inuupahang silid.
Nadamay ang nasa 40 kabahayan ng Barangay 717 at 718, habang ang Dela Salle University ay nagkansela ng klase kahit may nakatakdang eksaminasyon dahil sa insidente ng sunog na malapit sa kanila.
Ilan sa mga paupahang naaapektuhan ng sunog ang mga boarding house ng mga empleyado sa mga establisyementong malapit doon.
- Latest