PUVs na sobrang maningil ng pasahe ngayong holiday season, binalaan ng LTFRB
MANILA, Philippines — Binalaan ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan na papatawan ng kaukulang parusa oras na mapatuyang nagsasamantala sa mataas na singil sa psahe sa mga pasahero ngayong holiday season.
Ito ay sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra nang matanggap ang mga reklamo tungkol sa sobrang taas na singil ng mga Transport Network Company (TNC) o mga online for hire vehicles.
Takda namang ipatawag ng LTFRB ang mga kinatawan ng TNC para magpaliwanag hinggil sa mga natanggap ng reklamo ng ahensya.
Sinasabing dahil sa rami ng pasahero ngayon na nagtutungo sa mga pamilihan at malls, nagsasamantala ang ilang mga passenger vehicles.
Ang mga ride-hailing applications ay may standard rate na P40 bilang base fare at P10-15 na dagdag per kilometer, at P2 per minute waiting time at surge cap na nakadepende sa bagal ng traffic.
- Latest