^

Metro

Dagdag pang pabuya sa 6 na SEAG medalists na residente sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang cash reward na matatanggap ng anim na SEAG athletes na residente ng Pasay City sa ibibigay na karagdagang prem­yo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay makaraang parangalan sila kahapon ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa regular na flag-raising ceremony, inihayag ni Calixto-Rubiano ang dagdag na P100,000 sa naka-gold medal, P75,000 sa silver medalists at P50,000 sa bronze medalists.

Kinilala ni Calixto ang mga atletang taga-Pasay na nagwagi sa SEA Games na sina Jedah Mae Geriba Soriano (Gold medalist-Arnis), residente ng Brgy. Villamor; Vhok Dimapilis (Double Gold Medalist-Sailing), ng FB. Harrison; John John Manaoil Bobier (Gold medalist-Sepak Takraw), ng P. Villanueva Street; Coleen Jem Ferrer (Silver medalist-Sailing), ng Brgy. 104 Maricaban; Jeanalane Lopez (Bronze medalist- Judo), ng Brgy. Villamor at Joshuagleen Bullo (Bronze-Sepak Takraw).

Sinabi ni Rubiano-Calixto na isang ordinansa na ang pinamamadali niya na maipasa ng Sangguniang Panglungsod para maging regular na ang pagbibigay ng naturang halaga na insentibo sa mga atletang taga-Pasay sa mga internasyunal na kumpetisyon tulad ng SEA Games, Asian Games at maging sa Olympics na makakasungkit ng medalya.

Lalo pa umano nilang palalakasin ang kanilang ‘grassroots sports program’ sa mga barangay para makatuklas pa ng iba pang magagaling na atleta at umaasa na mas marami pang taga-Pasay ang mahihilig sa sports at magdadala ng medalya para sa lungsod.

Una nang umakyat sa P850,000 ang insentibo na matatanggap ng mga gold medalists sa nakaraang SEAG dahil sa dagdag na P250,000 sa mga gold medalist habang nangako ang Philippine Olympic Committee (POC) ng P300,000 bukod pa sa P300,000 na nakasaad sa Republic Act 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.

vuukle comment

SEAG ATHLETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with