^

Metro

Eroplano nabalahaw sa runway sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang international aircraft ang nabalahaw sa madamong bahagi sa may Runway  Safety Area (RSA) sa Ninoy Aquino International Airport habang nagta-taxi ito para mag-take-off papuntang Japan, kahapon  ng umaga.

Ilang oras din ang itinagal bago tuluyang nahila at dinala ang Jetstar  plane na patu­ngong Japan  sa Lufthansa Technik Aircraft Maintenance Center para makita ang mga sira nito.

Dahil sa aberyang nangyari sa eroplanong Jetstar Japan flight GK 40 ay isinara ang bahagi ng runway 13/31 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), samantalang  ginamit naman ng ilang aircraft ang main runway na 06/24 para hindi makaabala sa mga umaalis at dumara­ting na mga eroplano.

Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, lahat ng 140 pasahero kabilang ang isang sanggol at mga crew ay ligtas na bumaba sa aircraft at dinala pabalik sa NAIA Terminal 1 ng shuttle bus.

Ang Jestar Japan flight ay papuntang Narita, habang pomo-posisyon ito palipad ang ulunang bahagi ay nag-overshot kaya ang landing gears nito ay nahulog sa madamo at malambot na lupa na bahagi ng RSA.

Ayon sa ulat, tatlong Manila-bound flight ang inilihis papuntang Clark International Airport, Pampanga. Ang lahat ng tatlong flight ay bumalik na sa Manila, kahapon matapos maalis ang eroplanong nabalahaw.

Dakong alas-10 ng umaga kahapon, may labing-isang  mga flight ang naantala dahil sa insidente.

EROPLANO

NAIA

RUNWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with