^

Metro

‘Christmas party week’,matinding trapik asahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking hamon ngayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang darating na linggo na tinukoy na ‘Christmas Party week’ dahil sa mga gaganaping mga kasiyahan ilang araw bago sumapit ang Pasko na lalong magpapasikip sa trapiko.

Dahil dito, inabisuhan ng MMDA ang mga magtutungo sa mga party na mag-carpool na lamang kung iisang lugar lamang ang pupuntahan.

Pinayuhan rin ng ahensya ang mga motorista na ugaliin na sundin ang ‘road safety’ at disiplina sa pagmamaneho lalo na kung pupunta sa mga party na may alak.

“We would like to advise the public, unang-una mag-carpool kayo kung pupunta kayo ng party and designate a driver. Ibig sabihin, kung mag-iinuman kayo please [make sure that] there is someone sober enough to drive you back home,” ayon kay MMDA-EDSA Traffic chief Bong Nebrija.

Kailangan rin umanong magbaon ng napakahabang pasensya para maiwasan ang mga insidente ng ‘road rage’ dahil sa talagang aasahan ang mas mabigat na trapiko sa napakataas na volume ng sasakyan ngayon sa mga kalsada.

Magtatalaga naman umano ang MMDA ng mga traffic enfor­cers sa mga shopping malls at mga kilalang ‘party strips’ para magmando ng trapiko.

BONG NEBRIJA

EDSA TRAFFIC CHIEF

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with