^

Metro

Manager pumalag sa holdap, tinodas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Manager pumalag sa holdap, tinodas
Dead-on-the-spot dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Marcus Christian Ong, 36-anyos, residente ng 56 St. James St., Maries Village 2, Antipolo City habang nagtamo naman ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang kasamang si Kristy Cardenas, 23, residente ng 21B Umali St., Brgy. Mariblo, Quezon City.
The STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang sales manager habang sugatan ang kanyang kasamang lady consultant matapos manlaban sa dalawang riding-in-tandem na holdaper sa Brgy. Paligsahan, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang si Marcus Christian Ong, 36-anyos, habang nagtamo naman ng tatlong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang kasamang si Kristy Cardenas, 23,  residente ng 21B Umali St., Brgy. Mariblo, Quezon City.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng apat na lalaking holdaper, na mabilis na tumakas, lulan ng dalawang ‘di naplakahang motorsiklo.

Batay sa ulat ng Kamu­ning Police Station (PS-10) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-9:40 ng gabi nang maganap ang krimen sa tapat ng Tra Vinh Express Restaurant na matatagpuan sa Scout Reyes St., kanto ng Panay Avenue.

Kagagaling lang umano sa isang kainan ang mga biktima at pabalik na sana sa kanilang sasakyan, na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Panay Avenue, nang lapitan sila ng apat na suspek.

Kaagad na tinutukan ng mga suspek ng ‘di batid na kalibre ng baril, ang mga biktima at nagdeklara ng holdap, sabay hablot sa shoulder bag na dala ni Cardenas.

Gayunman, nanlaban umano ang mga biktima at tumangging ibigay ang bag sanhi upang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Nang duguang bumulagta ang dalawa ay mabilis nang tumakas ang mga suspek, tangay ang baril na ginamit sa krimen, gayundin ang shoulder bag ni Cardenas.

Rumesponde naman ang mga awtoridad ngunit nakatakas na ang mga suspek, habang patay na si Ong.

Si Cardenas naman ay kasalukuyang ginagamot sa Capitol Medical Center at nakatakdang isailalim sa operasyon.

CAPITOL MEDICAL CENTER

KAMU­NING POLICE STATION

MARCUS CHRISTIAN ONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with