Operasyon sa NAIA, balik-normal na!
MANILA, Philippines — Balik na sa normal ang mga international at domestic flights operation sa lahat ng terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos isara ang paliparan, kamakalawa ng umaga dahil sa bagyong si Tisoy.
Sinabi ni MIAA general manager Ed Monreal, ang mga pasahero kahapon na dumating sa NAIA ay iyong mga naka-schedule na umalis pero ang mga hindi naka-alis na pasahero nang isara ang paliparan ay nag-rebooked ng kanilang flights at naghihintay na lamang ng kanilang assigned dates mula sa kanilang mga airlines.
Ipinaliwanag ni Monreal, na dalawang oras na window umano ang ibinigay ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa airlines para sa kanilang recovery at extra flights sa susunod na tatlong araw matapos ang 12-hour closure ng NAIA dahil sa epekto ng bagyong Tisoy.
Sinabi ni Monreal, na bubuksan ang Runway 0624 mula ala-1:30 ng madaling araw hanggang alas-3:30 ng madaling araw kahapo para sa recovery flights ng mga airlines.
“Yang dalawang oras na ‘yon, ‘yun ay gagamitin namin para ipabalik ‘yung mga eroplano, mostly local carriers na inevacuate” sabi ni Monreal.
- Latest