^

Metro

NAIA, 12-oras isinara dahil kay Tisoy

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
NAIA, 12-oras isinara dahil kay Tisoy
Nakakapanibago kahapon ang tanawin sa Manila airports matapos isara ng 12 oras dahil sa bagyong si Tisoy. Makikita ang walang tao at maluwag na Terminal 3 na dating halos hindi mahulugang karayon sa rami ng mga pasahero na dumadagsa rito.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Labindalawang oras na isinara ng Manila International Airport Autho­rity (MIAA) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagsimula sa alas-11 ng tanghali hanggang alas-11 ng gabi kahapon kaugnay sa pananalasa ng bagyong si Tisoy sa malaking bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Kaugnay nito umabot sa 508 international at domestic flights sa natu­rang paliparan ang kinansela para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at ma­ging ng mga eroplano.

Ayon kay MIAA gene­ral manager Ed Monreal, ito ang napagkasunduan nila ng Airlines operators at lahat ng stakeholders.

Ayon kay Monreal, dahil isinara nila ang pali­paran lahat ng mga eroplano na dumarating at umaalis dito ay kinansela ang mga biyahe at may mga maliliit na eroplano rin ang inilipad sa ibang lugar para huwag maapektuhan sa bagsik at lakas ng hangin ni Tisoy.

Huling dumating at umalis patungo sa iba’t-ibang lugar ang eroplano ng PAL dakong alas - 9:30 ng umaga kahapon bago nila sinuspinde ang lahat ng kanilang mga international at domestic flights.

Nagdesisyon din ang management ng Air Asia na pansamantalang ialis sa NAIA at dinala sa mga ligtas na lugar ang kanilang mga eroplano dakong alas-10 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Monreal, pinayuhan nila ang mga apektadong pasahero na huwag nang pumunta sa NAIA at sa halip ay makipag-ugnayan sa kanilang airline companies para sa kanilang rebooking at re-route option.

Nanawagan din sila sa mga apektadong mga pasahero na mag-log sa website o social media accounts ng kanilang mga airline.

AIR ASIA

MIAA

NAIA

PAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with