^

Metro

Magkalaguyo huli sa akto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Magkalaguyo huli sa akto
Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police Station Detention Center ang misis na itinago sa alyas ‘Jena’, 31, walang trabaho, at kalaguyo niyang si alyas ‘Rael’, 34, may ibang live-in partner, isang loan credit manager at nakatira sa Mariano Ponce Street, Bagong Barrio ng naturang lungsod.
STAR/File

MANILA, Philippines — Huli sa akto ng mga pulis at ng isang Grab driver ang kanyang misis at kalaguyo nito na magkasama sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay dahilan para ipakulong ang mga ito kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police Station Detention Center ang misis na itinago sa alyas ‘Jena’, 31, walang trabaho, at kalaguyo niyang si alyas ‘Rael’, 34, may ibang live-in partner, isang loan credit manager at nakatira sa Mariano Ponce Street, Bagong Barrio ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, unang humingi ng tulong ang mister na si alyas ‘Elmer’, 33, ng Pangarap Village, Caloocan at isinuplong ang misis na si Jena na may kinakasamang ibang lalaki sa kanilang bahay sa may Brgy. 176 Bagong Silang, ng naturang lungsod.  Nabatid na lumayas sa bahay si Elmer dahil sa palagian nilang pag-aaway ng kaniyang misis.

Alas-3:30 ng Biyernes ng hapon nang magkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Community Precinct 3 at nahuli sa akto ang dalawang magkalaguyo na magkasama sa loob ng kuwarto ng bahay. Nabatid na naabutan pa nila si Jena na nagsusuot ng kaniyang panty habang nakahiga sa kama si Rael.

Nahaharap ngayon si Jena sa kasong paglabag sa Article 333 ng Revised Penal Code o Adultery habang sinamahan din ng naturang kaso ang kanyang kalaguyo.

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE STATION

ELMER

GRAB DRIVERGRAB DRIVER

JENA

MAGKALAGUYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with