^

Metro

P28 milyon laan ng Quezon City government sa Bantay Bata 163

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang pamahalaang lunsod ng Quezon City ng may P28 milyong financial assistance para sa Bantay Bata 163 Children’s Village para masustinihan ang pabahay at kalinga sa mga kabataan na nangangailangan ng medium  hangang  long-term rehabilitation sa pamamagitan ng Social Service Development Department (SSDD).

 Ayon kay Quezon City Mayor , muling nilagdaan ng pamahalaang lokal ang kanyang partnership sa Bantay Bata 163 Children’s Village ng ABS-CBN Foundation para sa pangangalaga at proteksyon ng mga kabataan lalu na ng mga kabataang mula sa lunsod.

 Ang hakbang ay bahagi ng  pagdiriwang sa Children’s month.

“Malapit talaga sa puso ko ang mga kabataan dahil tingin ko, sila talaga ang kinabukasan ng ating bayan,” ayon kay  Belmonte.

Ang Children’s Village  sa Norzagaray Bulacan ang tinutuluyan ng mga abandoned, abused, at exploited na mga kabataan. Ang village ay nagkakaloob din ng the­rapy at iba pang programa sa tulong ng mga eksperto at mga bihasang social workers na siyang nangangalaga sa mga kabataan.

Ang mga natutulungan ng Bantay Bata 163 ay napapagkalooban din ng Bantay Edukasyon scholarship assistance.

BANTAY BATA 163

JOY BELMONTE

SOCIAL SERVICE DEVELOPMENT DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with