^

Metro

NPA leader, 3 tauhan timbog sa ospital sa San Juan

Joy Cantos, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
NPA leader, 3 tauhan timbog sa ospital sa San Juan
Kinilala ang naarestong suspek na si Jaime Padilla, alyas Ka Delio, 60, sinasabing tagapagsalita ng NPA Southern Tagalog at miyembro umano ng National Information Bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee.
AFP

MANILA, Philippines —Timbog sa mga awtoridad ang isang sinasabing lider ng teroristang grupong New People’s Army (NPA) at tatlong tauhan nito habang nasa loob ng hospital at nagpapagamot sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jaime Padilla, alyas Ka Delio, 60, sinasabing tagapagsalita ng NPA Southern Tagalog at miyembro umano ng National Information Bureau ng Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee.

Bukod kay Padilla, inaresto rin ng mga awtoridad ang tatlong katao na nagbabantay sa kanya sa pagamutan na sina Rey Rafa, 30, Jefren Banjawan, 26 at Kay Ann Trogon, 27 na sinasabing miyembro rin ng NPA.

Si Padilla ay kasama rin umano sa hawak na listahan ng mga terorista ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa report, si Padilla ay nadakip sa loob ng isang hospital sa Greenhills West, San Juan City dakong alas-7:30 ng gabi.

Inaresto si Padilla sa bisa ng warrant of arrest  na ipinalabas ng korte dahil sa kasong murder at double murder case.

Ayon sa ulat ang pagkadakip ay bunsod  sa natanggap na intelligence report ng pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP tungkol sa kinaroroonan nito.

 Naka-confine si Padilla sa isang pribadong silid sa pagamutan dahil sa dinaranas na hypertension nang  isilbi sa kanya ang warrant of arrest. Wala namang nakumpiskang anumang armas ang mga pulis mula sa mga suspek nang maaresto ang mga ito.

Kaagad namang dinala ang mga suspek sa tanggapan ng CIDG-NCR sa Camp Crame upang ikulong.

JAIME PADILLA

NPA

PNPA ACADEMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with