^

Metro

PACC Commissioner, kinasuhan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PACC Commissioner, kinasuhan
Sinabi ni Monalie Dizon, convenor ng nasabing grupo, kasong administratibo at kriminal ang kanyang isinampa laban kay Belgica sa tanggapan ng Ombudsman.
Pia.gov.ph

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng grupong Kilusang Pagbabago kasabay nang hiling na matanggal bilang opisyal ng  Presidential Anti Corruption Commission  (PACC) Commissioner Greco Belgica dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas at mandato ng PACC.

Sinabi ni Monalie Dizon, convenor ng nasabing grupo, kasong administratibo at kriminal ang kanyang isinampa laban kay Belgica sa tanggapan ng Ombudsman.

Partikular dito ang kasong graft and corruption, malfeasance, usurpation of authority, grave misconduct and conduct prejudicial to the interest of the service.

Nag-ugat ang kaso dahil sa ginawang entrapment ni Belgica sa dalawang opisyal ng Bureau of Internal Revenue na ang salary grade ay 26 na hindi saklaw ng kapangyarihan ng PACC.

Inireklamo ni Dizon ang paghawak ni Belgica ng baril habang ginagawa ang entrapment na aniya ay usurpation of authority.

Samantala, kasabay nito nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Kilusang Pagbabago na buwagin na lamang ang PACC lalo na at hindi naman ito nakatutulong na malutas ang mga reklamong idinudulog sa kanila na kinasasangkutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

vuukle comment

MONALIE DIZON

PACC

PRESIDENTIAL ANTI CORRUPTION COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with