^

Metro

Marikina ginawaran ng Seal of Excellence in Governance

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Pinagkalooban ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng Seal of Excellence in Governance award ang Marikina City bilang pagkilala sa tagumpay nito sa pagpapanati­ling malinis ang kanilang mga kalsada at mga bangketa mula sa iba’t ibang obstruction.

Si DILG Secretary Eduardo Año pa ang personal na nag-abot ng naturang parangal kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa isinagawang grand launching ng kanilang “Disiplina Muna” campaign sa Marikina Hotel and Convention Center, nitong Biyernes.

Kasabay nito, pinuri rin ng kalihim ang lungsod dahil sa pagiging huwarang lungsod pagdating sa kalinisan at pagkakaroon ng disiplina.

“The City of Marikina has been taking multiple initiatives in the road clearing efforts of the government through its consistent implementation of ordinances, regular provision of resources to the assigned task force and of course the inculcation of values to communities and students. Tunay na huwaran ang Marikina,” anang kalihim.

Labis naman ang pagpapasalamat ni Mayor Teodoro sa ipinagkaloob na pagkilala ng DILG sa kanila.

Nangako rin si Teodoro na higit pa nilang pagbubutihin ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga mamamayan.

MARIKINA CITY

SEAL OF EXCELLENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with