^

Metro

263 kilo ng botcha, nasabat sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
263 kilo ng botcha, nasabat sa Maynila
Ayon kay VIB Chief Dr. Nick Santos, ang 263 kilong pork ribs ay may masangsang at mabaho nang amoy at hindi na rin sariwa.
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines – Nasa 263 kilo ng mga hinihinalang botcha ng karneng baboy at baka ang nasabat ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa New Antipolo Market sa Blumentritt.

Ayon kay VIB Chief Dr. Nick Santos, ang 263  kilong pork ribs ay may masangsang at  mabaho nang amoy at hindi na rin sariwa.

Bukod dito wala ring maayos o wastong lagayan ng karne na patunay na nilabag ng mga nagtitinda ang Republic Act No. 10611 o Food Safety Act gayundin ang Republic Act No. 10536 o “Meat Inspection Code of the Philippines.”

Kinuha naman ng Manila VIB at NMIS Enforcement Team ang mga botcha para sa tamang disposisyon.

Dagdag pa ni Santos, mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya laban sa mga nagkalat na botcha lalo na ngayong magpa- Pasko.

Hindi umano dapat na malagay sa alanganin ang kalusugan ng publiko dahil sa pansasamantala ng ilang negosyante.

BOTCHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with