MMDA pabor sa vape ban
MANILA, Philippines – Suportado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban ang importasyon ng anumang “vaping products o e-cigarettes” at paggamit nito sa lahat ng pampublikong lugar dahil sa panganib sa kalusugan.
“I agree with the statement of the President that vaping poses harmful effects to human health. Hence, I support the regulation of vaping for the sake of the general public,” ayon kay MMDA Chairman Danny Lim.
Bagama’t ang Philippine National Police (PNP) ang inatasan na magpatupad ng kautusan ng Pangulo, sinabi ni Lim na tutulong ang kanilang ahensya sa promosyo ng mga programa laban sa paninigarilyo at maging “vaping” para makamit ang “smoke-free” na kalikasan.
Partikular din na titiyakin ng MMDA na walang makakapagbenta, makapaglagay ng patalastas o promosyon ng e-cigarettes at maging sigarilyo na gawa sa tabako sa loob ng 100-metrong bisinidad ng mga paaralan.
Nanawagan si Lim sa publiko na sumunod na lamang sa utos ng Pangulo dahil para sa kalusugan ng lahat ang layon nito.
Pinayuhan din ng MMDA ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang kanilang mga ordinansa laban sa vaping. Kabilang sa mga lungsod na may ordinansa nito ay ang Caloocan, Muntinlupa, Taguig, Malabon at Navotas.
- Latest