Quezon City business center, bukas na sa Lunes
MANILA, Philippines — Simula bukas, araw ng Lunes, maaari nang makipagtransaksyon ang publiko sa mall para magbayad ng buwis at kumuha ng business permit sa Quezon City government .
Ito ay makaraang pangunahan kahapon ni QC Mayor Joy Belmonte ang inagurasyon sa QC Business Center na matatagpuan sa Robinson’s Novaliches Mall sa Novaliches.
“ This is in line with our administration’s thrust to make it more convenient and comfortable for our constituents to transact business with City Hall” pahayag ni Belmonte.
Sinabi ni Belmonte na sa pamamagitan ng naturang center ay hindi na mapapagod sa mahabang pila ang mga taga-Novaliches para makipag transaksyon sa QC hall.
Ang Center ay magkakaloob ng serbisyo mula sa tanggapan ng Treasurers Office at ng Business Permit and Licensing Department (BPLD).
Ayon pa kay Belmonte, ipapagamit din ng Robinson ang kalapit nilang vacant space para tahasang makapagbigay ng full service ang Business Center.
- Latest