P36 milyong shabu nasamsam sa 2 drug traffickers
MANILA, Philippines – Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) matapos makumpiska ang P36 milyong halaga ng shabu kasunod ng pagkakasakote sa dalawang pinaghihinalaang big time drug traffickers sa buy bust operation sa Pasay City Lunes ng gabi.
Kinilala ni P/Col. Romeo Caramat, Director ng PNP-DEG ang mga nasakoteng suspect na sina Emerson Fernandez, 39 at Peter Lanuza, 46.
Nakumpiska sa mga suspect ang 6 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P36 milyon.
Bandang alas-8 ng gabi, nang isagawa ang operasyon laban sa illegal na aktibidades ng nasabing mga suspect.
Isinagawa ang transaksyon sa isang fastfood chain sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Bago ito ay isinailalim sa masusing surveillance ang mga suspect. Ang mga suspect ay inaresto sa aktong iniaabot ang 47 malalaking plastic packages ng shabu na kinuha ng mga suspect mula sa behikulo ng mga ito na isang Toyota Camry (XAF 784).
Isinailalim na sa kustodya ng PNP-DEG sa Camp Crame ang mga nasakoteng suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002.
- Latest