Marcos Bridge sa Marikina binuksan
MANILA, Philippines — Binuksan na kahapon sa publiko ang Marcos Bridge sa Marikina City.
Pinangunahan nina DPWH Sec. Mark Villar at Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang reopening ng eastbound at westbound side ng Marcos Bridge kahapon ng umaga bilang antisipasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa lungsod ngayong Undas.
Matatandaang may limang buwang isinara ang naturang 40-taong gulang na tulay upang isailalim sa pagkukumpuni.
Nangako naman si Villar kay Teodoro na pipiliting mabuksan muli ang tulay sa publiko bago ang Undas, na mas maaga ng anim na buwan kumpara sa ‘target date of completion’ nito sa Abril, 2020.
Anang alkalde, malaking tulong ang muling pagbubukas ng tulay lalo na at inaasahan nilang mahigit 200,000 sasakyan ang papasok sa Marikina ngayong Undas.
- Latest