^

Metro

Doktor, driver ng OSSAM, iimbestigahan sa pagkamatay ng pasyenteng buntis

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Pinaiimbestigahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang sumbong na pinabayaan umano ng doktor at driver ng ambulansiya ng Ospital ng Sampaloc ang isang buntis nang ilipat ito sa  Ospital  ng  Sta. Ana kahit dinudugo na.

Sa interview kay Moreno, sinabi nito na  inatasan na niya si Ospital ng Sampaloc (OSSAM) Director Aileen Lacsamana na alamin ang tunay na pangyayari. Sampahan ng kaso  kung sinuman ang may kapabayaan.

Batay sa inisyal na report, sinabi ni Moreno na  nagtungo sa OSSAM si Myra Morga  dakong alas- 8 ng umaga noong Oktubre 21 at nakita ng OB  na walang heartbeat ang sanggol.

Dahil dito, minabuti ng attending physician na  ipalipat ang ginang sa Ospital ng Sta. Ana dahil walang sapat na  kagamitan at iba ang kondisyon ni Morga. Hinatid sila ng ambulansiya ng OSSAM  sa Ospital ng Sta. Ana subalit hanggang labas lamang.

Alas-12 ng hatinggabi nang ipanganak ni Myra ang patay na sanggol at makalipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay si  Myra.

Ayon kay Rebecca Morga,  kapatid ni  Myra at Danilo  Publico, live-in partner ni Myra, posibleng ang dinanas na hirap sa paglalakad ang sanhi ng pagkamatay ng mag-ina.

Ngunit sinabi ni Lacsamana na walang rekord  si Myra sa OSSAM. Dumating ito sa ospital na masakit na ang tiyan kaya’t agad na inayudahan ng mga doktor. Kinailangan lamang na  ilipat sa ibang ospital na mas kumpleto ang pasilidad.

Wala ring kasama si Myra na kamag-anak na maaaring magpasya sa anumang test na gagawin sa kanya.

Aminado ang hospital na tumagal ang pagpapaanak kay Myra subalit iyon ay protocol.

Nilinaw ni  Moreno na walang diskriminasyon sa mga humihingi ng tulong lalo na  kung emergency. 

OSPITAL NG SAMPALOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with