^

Metro

Bus terminals, sinuyod na ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan nang suyurin ng mga tauhan ng  Land Transportation Office (LTO) ang mga bus terminals sa Quezon City bilang bahagi ng paghahanda kaugnay ng nalalapit na bulto ng pasahero na uuwi sa mga probinsiya  sa panahon ng Undas.

Kahapon, isang bus ang hindi nakaalis ng Araneta City Bus Station sa  Cubao na papuntang  Ormoc, Leyte dahil sa mga sirang ilaw.

Ayon kay Bernard Dilangalen, hepe ng LTO-QC extension office, ilan sa mga sinusuri sa mga bus units  ay ang  windshield, wipers, headlights, platelights, signal lights gayundin ang seatbelts, mga gulong at tail lights.

Anya oras na makakita ng mga paglabag ang sasakyan ay hindi nila pinapayagan na umalis ng terminal para pumasada. Anya, maaaring malagay sa peligro ang buhay ng mga pasahero ng pampublikong sasakyan oras na makaalis na may mga sira ang mga ito.

Sinabi nito na tuwing Undas ay pinatitindi ang road worthiness inspection sa mga sasakyan dahil sa panahong ito ay mas maraming pasahero ang uuwi sa mga lalawigan. Babantayan din   ang mga taxi drivers na mang-iisnab at mananamantala sa mga pasahero.

Binalaan din ng LTO ang mga mangongolorum na sasakyan sa Undas  dahil oras na mahuli ay malaking multa ang katapat nito bukod sa pag-impound sa kanilang sasakyan.

BUS TERMINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with