^

Metro

Manager, binaril sa sentido patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Manager, binaril sa sentido patay
Ang biktima ay nakilalang si William Roger Uy, 45, assistant manager ng Phamagro Inc., at residente ng San Nicolas St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
File

MANILA,Philippines — Patay ang isang manager ng kompanya  makaraang barilin sa sentido ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilalang si William Roger Uy, 45, assistant manager ng Phamagro Inc., at residente ng San Nicolas St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni  SSgt. Julius Paz, ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-12:30 ng madaling araw sa  nasabing barangay.

Ayon sa report, naglalakad pauwi ang biktima sa kanyang tahanan nang sumulpot mula sa kanyang likuran ang gunman at malapitan siyang pinaputukan ng   baril sa kanang sentido.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay kaswal na naglakad lamang ang gunman patungong Masaya Street, bitbit ang baril na ginamit sa pamamaslang.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng krimen, makilala at madakip ang  salarin.

vuukle comment

MANAGER

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with