^

Metro

Water allocation supply sa Metro Manila ginawang 40 cubic per seconds – National Water Resources Board

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Nagdesisyon ang National Water Resources Board (NWRB) na gawing 40 cubic per seconds ang alokasyong suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Dr.  Sevillo David Jr., executive director ng NWRB ang desisyon ay bunga na rin ng hindi na pagtaas pa ng water level sa Angat dam dahil sa kawalan ng ulan sa may dam watershed.

Anya, ginawa ang hakbang upang mapangalagaan ang dam sa darating na mga panahon at paghandaan ang mga maaaring maganap sa kondisyon ng mga dam sa ating bansa.

Sinabi ni David na  may 12 percent ang naging pagbaba sa nor­mal allocation  dahil sa  hindi normal ang dami ng naisusuplay na tubig sa mga kostumer na galing sa Angat dam

Niliwanag naman ni David na ang malalayo at liblib na lugar ang higit na makakaranas ng mahinang pressure ng suplay ng tubig.

Anya hindi naman magkakaroon ng  ma-tinding krisis sa tubig kagaya nang naganap noong nagdaang Marso dahil noong summer ay sobrang baba ng water level sa Angat dam.

“Posibleng magkaroon ng epekto pero minimal lang, hindi na mangyayari yung katulad ng dati na matindi ang kawalan ng suplay, ngayon hindi naman magkakaganun, merong suplay, bumaba nga lang ang dami ng naisusuplay,” pahayag ni David.

vuukle comment

NATIONAL WATER RESOURCES BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with