^

Metro

Psoriasis Center sa RizalMed, inilunsad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Maaari nang makatanggap ng kumprehensibong lunas ang mga Pinoy na nagdurusa mula sa mode­ rate hanggang sa severe psoriasis.

Ito’y matapos na pormal nang ilunsad kahapon ng Rizal Medical Center (RizalMed) ang kanilang Psoriasis Center.

Pinangunahan ni Dr. Francisco Rivera IV, Chairman ng Department of Dermatology ng RizalMed  ang isinagawang media launch ng Psoriasis Center na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa iba’t ibang departmento ng pagamutan.

Ibinahagi ni Dr. Rivera ang kakayahan nila sa paglikha o “development of clinical pathway”, research agenda at service delivery networks para sa kapakinabangan ng mga pasyente.

Masaya rin inanunsiyo ni Dr. Rivera na ang naturang Psoriasis Center ang siyang ‘End Referral Center” mula sa Eastern part ng Metro Manila na kinabibilangan ng Pasig, Mandaluyong, San Juan, Marikina, ilang bahagi ng Quezon City, Rizal area, Makati, Pateros, Taguig at Calamba, Laguna, Batangas, Quezon (CALABARZON).

“Our goal in the future is to make dermalology center like this, available and accessible to all Filipino nationwide” ani Dr. Rivera.

Aniya pa, plano rin nilang maglagay ng mga psoriasis center sa buong bansa.

Tiniyak din niya na patuloy na nagsisikap, nagpapakadalubhasa at gumagawa ng pananaliksik ang RizalMed upang mapataas pa ang kapabilidad na magbigay ng treatment at management  kahit sa mga malalang kaso ng Psoriasis.

“At the RizalMed, there is now hope for the severe and seemingly hopeless cases of psoriasis” sabi pa ni Dr. Rivera.

PSORIASIS

RIZALMED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with