‘Tranvia’ balik sa Intramuros
MANILA, Philippines – Balik Spanish Era ang Intramuros sa pagsisimula ng biyahe ng tranvia.
Ngayon nga ay ibinibiyahe na ang tranvia, isang Spanish transport system na tinatawag ding ‘tramway’ o ‘trolley.’
Ang naturang sasakyan ay pagbabalik tanaw sa unang panahon na itinuturing na makasaysayan.
Dumating ito sa Pilipinas noong 1880s, na umaandar sa pamamagitan ng paghila ng kabayo ngunit hindi nagtagal, kuryente na rin ang ginagamit para mapaandar ito sa riles.
Bukod sa scooter na handog ng Grab, isang makabagong tranvia ang makikita at maaaring masakyan sa loob ng Intramuros.
- Latest