^

Metro

Road repairs sa Maynila walang extension

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno  sa mga contractor na hindi sila magbibigay ng extension sa mga isinasagawang  road repairs sa lungsod.

Ginawa ni Moreno ang pahayag nang makipagmeeting ito kay Public Works Secretary Mark Villar na nagpahayag ng tulong sa city government.

Ayon kay  Moreno,  sa bagong regulasyon ay kailangan na  tapusin ng contractor ang mga road  repairs alinsunod sa permit na napagkasunduan sa city hall.

Ani Moreno hindi na maaaring gawin ng mga  contractor ang kanilang  nakasanayan na itetengga ang kanilang trabaho  na nakaaapekto naman sa publiko.

“Kung gusto nila ng anim o isang taon na permit ibibigay namin pero walang extension” ani Moreno. 

Ikinalungkot din  ni Moreno ang pagtetengga ng mga equipment ng mga contractor  sa kalsada na ginawa ng parking.

Sa panig naman ni Villar, sinabi nito na  handa naman siyang tumulong sa pagbabago sa city government  at sabihin lamang ang kanilang kailangan.

Tiniyak din ni Villar na tatapusin nila ang kanilang mga  road repairs  na patuloy na sagabal sa kalsada  at nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng  trapiko.

EXTENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with