^

Metro

Double decker buses, solusyon sa trapik sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Inihayag ng pamu­nuan ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) na ang pagbiyahe ng double decker buses ang siyang solusyon ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Liong, Pa­ngulo ng FFCCCI sa pamamagitan ng double decker na mga bus ay maiibsan ang matagal ng problema sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa isinagawang forum sa Kamuning ­bakery sa Quezon City, sinabi ni Bon Liong, na matutugunan ang sinasabi umanong ‘traffic crisis’ sa bansa kung double decker buses’ ang gagamiting ‘mass transportation’.

At sa pamamagitan nito ay mas magiging kaunti na lamang ang bilang ng bibiyaheng mga pampasaherong bus  na sinasabing dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Kasabay nito, nagpahayag naman ng todo-suporta ang FFCCCI sa Pangulong Rodrigo Duterte sa adhikain nito na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Comprehensive Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA).

At sa pamamagitan din sa pagbawas umano sa ‘corporate income tax’ ay makatutulong ito na makaakit ng maraming ‘foreign direct investments’ sa bansa.

FEDERATION OF FILIPINO CHINESE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with