^

Metro

'Zero tolerance': Angkas sinuspindi ang rider na nanghipo raw ng pasahero

James Relativo - Philstar.com
'Zero tolerance': Angkas sinuspindi ang rider na nanghipo raw ng pasahero
"Kung mapatutunayang may sala, maliban sa kahaharaping parusang kriminal, habambuhay na siyang iba-ban sa aming platform."
File

MANILA, Philippines — Binasag ng motorcycle-hailing company na Angkas ang katahimikan nito matapos lumabas ang bali-balitang nasangkot sa pambabastos ng pasahero ang isa nilang driver.

Sabado nang maaresto ang hindi pa pinangangalanang driver matapos nito diumano paghahawakan ang maseselang bahagi ng katawan ng isang babaeng pasahero, na noo'y nakainom ng alak.

"Zero tolerance ang Angkas pagdating sa sexual harassment," ayon kay David Medrana, head of operations ng Angkas, sa ipinadalang pahayag sa PSN sa Inggles.

Sa kanilang mga programa ng pagsasanay, malinaw naman daw na idinidiin ng kanilang kumpanya na hindi katanggap-tanggap ang pag-uugali na magpapadama sa pasahero na sila'y hindi ligtas.

Naniniwala naman daw sila due process para sa kanilang mga rider, ngunit pansamantala muna siyang sinuspindi sa serbisyo dahil sa bigat ng akusasyon.

"Nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan kami ngayon sa mga otoridad para masigurong mabilis itong mareresolba," dagdag ni Medrana.

"Kung mapatutunayang may sala, maliban sa kahaharaping parusang kriminal, habambuhay na siyang iba-ban sa aming platform."

Nakausap na rin daw ng Angkas ang nagreklamong pasahero upang malaman kung kailangan niya ng medikal na tulong.

Una nang inirekomenda ng Philippine National Police na makasuhan ang tsuper ng acts of lasciviousness, at kung gugustuhin ng pasahero, maaari raw maiakyat sa "rape" ang reklamo.

'Bawal Bastos' law

Kahapon, nanawagan naman si Sen. Risa Hontiveros sa Angkas na gamitin ang Republic Act 11313, o Bawal Bastos law, para maging gabay upang maitaguyod ang "kultura ng safe spaces" at para sa ikareresolba ng insidente.

"Let me be clear. Walang lugar, kahit saan, para sa pambabastos. Tapusin na natin ang paghahari-harian ni 'boy bastos' sa ating lansangan," ayon kay Hontiveros, na chairperson ng Senate Committee on Women.

May panawagan naman ang kumpanya sa kanilang mga mananakay: "Nananawagan kami sa lahat ng pasahero ng Angkas na maging mapagmatyag sa pag-uulat ng mga driver," panapos ni Medrana.

ANGKAS

BAWAL BASTOS LAW

RISA HONTIVEROS

SEXUAL HARASSMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with