Rolbak sa petrolyo muling ipatutupad
MANILA, Philippines — Muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa darating na linggo dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa internasyunal na merkado.
Sa pagtataya ng mga industry experts, posibleng bumaba ng P.93 sentimos sa kada litro ng diesel at P.93 sentimos sa gasolina.
Nauna na ang Phoenix Petroleum sa pagpapatupad ng rolbak nitong Sabado ng umaga. Nasa P.80 sentimos kada litro sa gasolina at P1 sa kada litro ng diesel ang tinapyas ng kumpanya sa kanilang mga produkto.
Inaasahan naman na magsisisunod ang iba pang kumpanya ng langis sa panibagong galaw sa presyo ng petrolyo hanggang sa darating na Martes.
Samantala, nakatakdang magtapos ngayong Lunes (Oktubre 7) ang palugit ng Department of Energy (DOE) sa 13 kumpanya ng langis para magpaliwanag kung bakit kulang ang ipinatupad nilang rolbak nitong nakaraang linggo.
Matatandaan na nagpadala ng “show-cause order” ang DOE sa mga oil companies para ipaliwanag ang kanilang komputasyon habang pati ang mga LPG (liquefied petroleum gas) manufacturers ay pagpapaliwanagin kung bakit naman sobra ng P.22 kada kilo ang ipinatupad nilang dagdag-presyo.
Habang isinusulat ito, hindi pa tumutugon ang mga kumpanya ng langis at LPG sa utos ng DOE.
- Latest