^

Metro

Sunog sa LRT-2, walang foul play - LRTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sa LRT-2, walang foul play - LRTA
Naging mahaba ang pila ng mga dagsang commuters sa UV Express depot sa Quezon City kahapon para makahanap ng alternatibong transportasyon matapos silang ma-stranded kasunod ng pagsasara ng LRT Line 2 dahil sa sunog.
Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na walang “foul play” at wala ring kinalaman sa terorismo ang sunog na naganap sa rectifier ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Quezon City noong Huwebes na nagresulta sa pansamantalang suspensyon ng kanilang operasyon.

Ayon kay LRTA Spokesperson Hernando Cabrera, walang indikasyon ng foul play o terrorist attack sa insidente.

Gayunman, patuloy pa rin aniya nilang iniimbestigahan kung ano talaga ang pinagmulan ng sunog.

Nauna rito, tinupok ng apoy ang rectifier ng LRT-2 sa Katipunan sanhi upang mawalan ng suplay ng kur­yente ang linya ng tren at masuspinde ang biyahe ng buong linya nito.

Target naman ng LRTA na maibalik ngayong Lunes ang kanilang mga biyahe, ngunit limitado muna ito, o mula sa Recto Station sa Maynila hanggang Cubao Station sa Quezon City lamang.

Inaasahang suspendido naman ng mula anim hanggang siyam na buwan ang biyahe ng LRT-2 sa tatlong istasyon nito na pinakaapektado ng sunog kabilang ang Santolan, Katipunan at Anonas dahil kakailanganin pa nilang mag-angkat umano ng mga materyales para sa nasirang pasilidad.

Sinabi naman ni Cabrera na pipilitin ng LRTA na maibalik agad ang biyahe sa Anonas Station sa mga susunod na araw.

“Recto to Cubao, Cubao to Recto ang target natin sa Monday pero baka sa mga susunod na araw, maisama na natin ang Anonas,” ani Cabrera.

Habang hindi pa naman fully operational ang LRT-2, sinabi na magde-deploy muna sila ng mga bus na magsasakay at maghahatid ng kanilang mga pasahero sa kanilang destinasyon.

Ayon sa LRTA, sa kanilang pagtaya, aabot ng P428 milyon ang napinsala ng sunog sa kanilang mga pasilidad. 

Ang LRT-2 ay bumibiyahe sa Recto Maynila patungo sa Santolan, Pasig City at vice versa.

LRT 2 FIRE

STRANDED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with