^

Metro

Free concert ng Philharmonic Orchestra sa Kartilya ng Katipunan, dinagsa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labis na kasiyahan ang nakita sa mga mukha ng mahigit isang libong nakapanood ng libre sa kauna-unahang world-class concert ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) sa Kartilya ng Katipunan, sa Bonifacio Shrine, kamakalawa ng gabi.

Ikinatuwa rin ni Manila Mayor Isko Moreno na kabilang sa nag-enjoy sa show ang pagdagsa ng mga estudyante sa iba’t-ibang paaralan, mga empleyado ng pampubliko at pribadong kompanya, mga mamamahayag at ilang pulitiko kabilang si dating Manila Mayor at kasalukuyang kinatawan ng Buhay party-list Lito Atienza, at mga namamasyal.

Kahit aniya, siya (Moreno) ay hindi pa na-experience na makapanood ng Philharmonic concert na may presyo dahil sa pagiging  ‘world class’.

Laking pasasalamat niya sa pagkakaloob ng grupo ng libreng orchestra show dahil  nakaranas ang mga Mani­lenyo, lalo na ang less privileged sa tulad na performance ng libre.

Inorganisa ang nasabing concert sa pagitan ng PPO/Cultural Center of the Philippines at Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB). 

PHILHARMONIC ORCHESTRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with