No extension sa road clearing operations - DILG
MANILA, Philippines – Dalawang araw bago magtapos ang 60-araw na deadline, inihayag ni Undersecretary Jonathan Malaya, spokesman ng DILG na wala ng extension sa road clearing operations.
“We urge all local government units (LGUs) to fast-track the road clearing operations in their respective jurisdictions. While we observe significant progress in many parts of the country, much remains to be done”, ani Malaya.
Una rito, inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año, ang 60-araw na palugit sa road clearing operations na siyang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.sa mga Local Chief Executives (LCEs). “We wish to remind all city and municipal mayors that the power to discipline negligent or uncooperative barangay captains is in your hands. Under the Local Government Code, you are the primary disciplining authority over your Punong Barangays, therefore, we urge you to utilize your powers – without fear or favor – whenever necessary and make them accountable for their performance”, anang opisyal.
Bukas na magtatapos ang deadline, samantalang simula sa Setyembre 30 ay bibisitahin ng DILG Validation Teams ang iba’t ibang mga lugar partikular na sa Metro Manila para magsagawa ng assessment. “Those who are found to be non-compliant will be issued Show Cause Orders by Secretary Año before their names are submitted to the President”, anang opisyal.
Hinikayat din ng opisyal ang publiko na suportahan ang programa ng gobyerno na buwagin at tanggalin ang mga istrakturang nakakasagabal sa mga daan. “We hope that this program starts a culture of discipline that our country desperately needs. Let our battle cry be #DisplinaMuna in order to sustain the gains that we have achieved for the long run”, ang sabi pa ng opisyal.
- Latest