^

Metro

Libreng pa-opera sa bingot

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bukas, Setyembre 29, 2019, isang grupo na binubuo ng mga surgeon, doktor, nurse, at ibang mga experto ang darating sa Maynila sa kagandahang loob ng Allaince for Smiles, isang NGO na nakatutok sa pag-tulong sa mga tao na pinanganak na may bi­ngot  na galing sa mga mahirap na pamilya, at sa mahirap na bansa, at ng mga Rotary Club ng Pasig at Makati. 

Ang grupo ay mananatili hanggang Oktubre 12, ay gagawa ng surgery para sa mga Pilipinong may bingot at walang sapat na kakayahan para bayaran and pag-ayos nito.  Ang surgical mission at gaganapin sa Rizal Medical Center sa Pasig City.

Sa Pilipinas, 1 sa 350 na sanggol ay pinapanganak na may bingot. Bukod dito, ang surgery para sa bingot ay kailangan gawin kapag ang bata ay may edad na 3 – 4 na buwan para sa bingot sa labi, at 18 – 24 na buwan para sa bingot sa ngala-ngala.   

Bukod sa surgery, pinag aaralan din ng Alliance for Smiles ang posibilidad na magtayo ng isang pasilidad na tutugon sa mga pangangailangan ng mga batang dumaan na ng surgery, ito’y ibinahagi ni Anita Sangl, isang Rotary Club member ng San Francisco, at isa sa mga nagtayo ng Alliance for Smiles. Dinagdag din ni Mary Liu, ang Mission Director ng Alliance for Smiles, na mismong pinanganak na may bingot, na marami pang karag­dagang pangangailangan ang mga batang dumaan na sa Surgery. 

Kung meron kayong kaki­lala na maaring makinabang sa kaganapan na ito tumawag o mag text lamang sa kay Reggie Gervacio sa Mobile: 0915- 7873837 o si Chona Lim sa Mobile: 0917- 8813428.  Pwede ring mag padala ng email sa [email protected] o kaya sa [email protected]

 

BINGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with