^

Metro

Quezon City residents hinimok magpatingin sa duktor kahit walang nararamdaman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente ng lunsod na ito na ugaliing regular na magpatingin sa doktor kahit walang nararamdamang sakit sa katawan.

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte dulot na rin ng iba’t- ibang uri ng sakit na umuusbong ngayon tulad ng sakit na polio.

“Kalimitan sa atin, kapag walang nararamdaman ay hindi na nagpapa-duktor. Hiling ko sana sa ating mamamayan na regular na magpa-check up kahit walang nararamdaman kase, ‘yung iba kung kailan malala na ang sakit, saka lamang nagpapagamot,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi niya na may ugnayan ang lokal na pamahalaan sa pribadong sektor upang palaganapin ang pag-iwas sa iba’t-ibang uri ng sakit lalo na ang polio, gayundin ang iba pang mga sakit tulad ng dengue, leptospirosis at iba pang sakit na lumulutang kung tag ulan.

“Bukod sa polio, higit ang pagbabantay natin sa sakit na dengue dahil may 13 na ang namamatay dito sa Quezon City dahil sa dengue. Kaya nga kailangan natin ng 30 mga bagong doktor para tumulong sa atin na maingatan ang kalusugan ng ating mamamayan,” sabi pa ng alkalde.

Patuloy naman  anya ang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga barangay official  upang pagtulungan ang kampanya na matiyak na napapangalagaan ang kalusugan ng mga taga QC.

May mga libre din anyang mga gamot sa mga health centers na libreng naiibigay sa mga nangangailangan sa lunsod.

RESIDENTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with