Vendors sa Recto winalis
MANILA, Philippines — Sa pagpapatuloy ng clearing operations sa lungsod ng Maynila, hindi nakaligtas ang mga nagbebenta ng mga segunda -manong libro sa Maynila.
Pinaalis ang mga nagtitinda ng second hand books sa Morayta sa panulukan ng CM Recto, sa Sampaloc na bilihan ng mga estudyante.
Pinangunahan ni Manila Department of Public Service (DPS) District manager Richie Laurel at mga tauhan ng Manila Police District ang clearing operations
Subalit ilang vendor ang umalma sa paglilinis sa pagsasabing matagal na silang nagtitinda ng libro sa bangketa na napapakinabangan naman ng marami.
Handa rin naman silang sumunod kung may bagong patakaran ang city hall.
Anila, nagbabayad din sila ng P20.00 kada araw para sa upa sa bangketa.
Paliwanag naman ni Laurel ng Manila DPS, matagal nang nag-abiso ang Manila LGU na lilinisin ang lahat ng mga bangketa sa lungsod, bilang pagtalima sa 60-day deadline ng DILG na dapat tanggalin ang lahat ng uri ng obstructions.
Bukod naman sa mga tindahan ng mga libro, pinaalis na rin ang mga nagtitinda ng mga tropeyo at plake, mga nag-aalok ng notaryo at gumagawa ng mga ID lace.
- Latest