^

Metro

Taguig ginawaran ng Nutrition Honor Award

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadagdagan na naman ang listahan ng tagumpay ng Taguig City dahil sa panibagong pagkilala sa larangan ng nutrisyon.

Tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Taguig kama­kailan ang award mula sa National Nutrition Council bilang pinakamataas na local government unit sa buong bansa na may maayos at mabisang nutrition programs simula pa noong 2013.

“Nagagalak tayo dahil sa wakas ay nakuha na natin ang award na ito makalipas ang ilang taon ng pagsisikap!” saad ni Julie Bernabe, Taguig City Nutrition Action Officer.

Ang Taguig ang nag-iisang siyudad sa buong Metro Manila na nakakuha ng prestihiyosong Nutrition Honor Award, ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng NNC sa LGU na may mahusay na pagpaplano, pagsasaayos ng implementasyon ng lokal na programang pang-nutrisyon.

Noong 2013, ang Taguig ay nabiyayaan ng Green Banner award na ibinibigay sa isang lungsod, munisipalidad at probinsya na nagpapakita ng maayos na pagpapatupad ng programang pang-nutrisyon.

Ang mga kinilalang mga programa ng siyudad upang masawata ang malnutrisyon ay ang “Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay” kung saan ang mga buntis lalo na yung mga teenager pa lamang ay natuturuan ng balanse sa diet at maayos na healthy lifestyle upang masiguro ang ligtas na panganganak, ang “Operation Timbang Plus” kung saan ang bigat at laki ng mga bata edad 0-5 years old ay naitatala upang ma-monitor ang nutrition status ng kabataan, at mula rito ay ipapatupad ang mga programa upang mapanatili silang malusog at hindi mababa ang timbang at laki.

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Lino Cayetano, ang mga programang pangkalusugan ay palalakasin, palalawigin bilang kasama sa 10-point agenda ng bagong alkalde.

NUTRITION HONOR AWARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with