Opisina ng PRC sa Maynila niyanig ng 'bomb threat'
MANILA, Philippines — Naantala ang operasyon at mga transaksyon ng Professional Regulation Commission sa Sampaloc, Maynila kaugnay ng lumutang na banta ng pambobomba, Huwebes.
Umabot ng mahigit isang oras na natigil ang trabaho sa nasabing tanggapan ngayong hapon matapos makakuha ng bomb threat ang kanilang admin office.
Agad namang rumesponde ang Manila Police District — Explosives and Ordnance Division sa lugar kaugnay ng reklamo, ayon sa ulat ng News5.
Mahigit isang oras naantala ang trabaho sa Professional Regulation Commission sa Sampaloc, Maynila ngayong hapon matapos makatanggap ang admin office ng bomb threat. Pero ayon sa EOD, walang bomba sa loob ng PRC | @News5AKSYON @onenewsph pic.twitter.com/mQEXg9sWt5
— Justinne Punsalang | ????????? (@thisjustinne) August 29, 2019
Habang ginagalugad ng otoridad ang erya, pinalabas muna ang mga bisita at empleyado ng komisyon.
Makikita naman sa ulat ng dzBB kung paanong humaba ang ang pila sa labas ng himpilan matapos pagbawalang pumasok ang may mga transaksyon.
Pero nang matapos ang inspeksyon ng EOD, nagnegatibo naman sa bomba ang loob ng PRC. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5
- Latest