^

Metro

Grupo ng Taiwanese at Japanese nagrambulan sa bar

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Grupo ng Taiwanese at Japanese nagrambulan sa bar
Kapwa nagsampa ng reklamo ang magkalabang grupo nang pagharapin sa Manila Police District-Gene­ral Assignment Section.

MANILA, Philippines — Nauwi sa batuhan ng bote at bugbugan sa pagitan ng pitong Taiwanese nationals at grupo ng Japanese national sa loob ng isang KTV Bar, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kapwa nagsampa ng reklamo ang magkalabang grupo nang pagharapin sa Manila Police District-Gene­ral Assignment Section. 

Alegasyon ng grupong kinabibilangan nina Shisaku Fujita, negosyante, Japanese national  at mga kamag-anak na Pinoy na sina Kieth Ravina, 27, at  Louigie Villanueva, 22, na ang kasama nilang mga babae na di na pinangalanan ay binabastos habang umiinom sila sa Capricorn Bar dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Depensa naman ng mga inarestong  Taiwanese nationals na sina Chun Yi Shen, 30; Po Yu Lin, 35; Chen Chang Wu, 30 at  Wen Yu Chang, 35, na pinitikan umano sila ng kulangot ng isa sa  grupo ni Fujita  at dumapo ito sa mukha ng kasama nila.

Nakatakas ang tatlo pang kasamahan ng Taiwanese ng mga suspek.

Ayon sa grupo ni Fujita, dinadaan-daanan ang kanilang kasamang mga babae at kinursunada din  umano si Fujita nang magtungo ito sa comfort room.

Dahil dito, kaya umulan ng bote hanggang sa magsapakan ang dalawang grupo ng dayuhan.

Dahil sa dami ng mga Taiwanese, agrabyado ang grupo ng Hapones na si Fujita.

JAPANESE NATIONAL

TAIWANESE NATIONALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with