20% diskwento sa amilyar sa Maynila, aprub na
MANILA, Philippines — Naipasa na sa pangatlo at pinal na pagbasa ng Manila City Council ang isang ordinansa na nagbababa ng 20 porsiyento bayad sa real property.
Ang 20 porsiyento na binawas ay bahagi ng pangako ni Manila Mayor Isko Moreno na babawasan niya ang real property tax na may kabuuang 40 porsiyento sa loob ng tatlong taon.
Sa ordinance no. 8567 na inakda ni Manila 3rd District Councilor at Majority Floor Leader Joel Chua, layon nitong maipatupad ang 20 percent na pagbawas sa mga buwis ng real estate na magiging epektibo sa January 1, 2020.
Ang Section 192 ng Republic Act (RA) 7160 o ang Local Government Code of 1991 ay pinahihintulutan ang pamahalaang lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng mga ordinansa na magbigay ng mga tax exemption, mga insentibo o kaluwagan sa ilalim ng terms and conditions ng mga concerned authorities kung kinakailangan.
Sa isang pagpupulong ni Moreno sa mga barangay chairman, ibinahagi nito ang iba’t ibang iskedyul ng pagbabawas sa mga rate ng buwis sa real estate, na nagsasabing ang real tax ay nakatakdang bawasan ng 20 % sa 2019.
Sinabi ni Moreno na ang real tax ay mababawasan ng isa pang 10 porsyento sa 2020 at 2021.
- Latest