Road repair sa MM tuloy kahit umuulan
MANILA, Philippines — Tuloy ang pagkukumpuni ng mga kalsada sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada kahit na wala pa ring humpay ang pagbuhos ng ulan ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nag-umpisa ang road reblocking dakong alas-11:00 kagabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw sa darating na Martes.
Sa Southbound lane ng EDSA, isasara ang 5th lane mula sa sidewalk sa harap ng Sojen at Chevrolet shops, isasara rin ang bahagi ng EDSA-Eugenio Lopez- Sct. Borromeo dahil sa isasagawang ‘desilting at paggawa ng manhole’.
Isasara rin ang Katipunan Avenue mula Raja Matanda hanggang sa Boni Serrano Tunnel at ang southbound sa pagitan ng West Avenue at Philam Village dahil sa restorasyon ng kalsada.
Sa Northbound ng EDSA, isasara ang unang lane malapit sa New York Street.
Magkakaroon din ng pagkumpuni ng kalsada sa Quirino Highway, at Elliptical Road, C-5 Road, C.P Garcia approach hanggang Kalayaan Avenue extension.
Inaabisuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang naturang mga kalsada at gumamit ng mga alternatibong ruta para makaiwas sa mabigat na trapiko.
- Latest