^

Metro

Sundalo nagpapatakbo ng drug den, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sundalo nagpapatakbo ng drug den, arestado
Nakilala ang inaresto na si Staff Sgt. Reynaldo Pulido, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa 51st Engineering Brigade, 43 at nakatira sa AC Aguinaldo St., Salitran II, Dasmariñas, Cavite. Kasama niyang nahuli ang maintainer ng drug den na si Fernando Tiongson, alyas “Ando”, 53-anyos.

MANILA, Philippines — Timbog ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) ang isang aktibong sundalo sa loob ng isang drug den na sinalakay ng mga awtoridad sa Taguig City, kamakailan.

Nakilala ang inaresto na si Staff Sgt. Reynaldo Pulido, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa 51st Engineering Brigade, 43  at nakatira sa AC Aguinaldo St., Salitran II, Dasmariñas, Cavite.  Kasama niyang nahuli ang maintainer ng drug den na si Fernando Tiongson, alyas “Ando”, 53-anyos.

Sa ulat, alas-5 nang salakayin ng pulisya katuwang ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug den sa may Balatan Extension, Sitio Matatag, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Nagawang makabili ng poseur buyer ng pulisya ng isang plastic sachet ng shabu buhat kay Tiongson na may timbang na higit-kumulang 5 gramo at nagkakahalaga ng P7,000.  Matapos na iabot ang marked money, dito na sumulpot ang ibang mga pulis at inaresto si Tiongson na hindi na nagawa pang makapalag.

Tiyempo naman na nasa loob din ng drug den si Pulido na kliyen­te umano ni Tiongson at may hawak pang drug paraphernalia para umiskor ng shabu.

Bukod sa nabiling shabu, nakum­piska pa ng mga pulis sa lugar ang lima pang plastic sachet na may kabuuang timbang na 7.5 gramo at may halagang P51,000.

DRUG DEN

ILLEGAL DRUGS

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with