TNVS applicants, dumagsa sa LTFRB
MANILA, Philippines — Matapos bigyan ng signal ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan na ang hatchback na mag-operate bilang isang transport network vehicle service (TNVS) units, dumagsa naman ang mga nais na mag-apply sa tanggapan ng huli kahapon.
Gayunman, nilinaw ng LTFRB na tanging ang hatchbacks na may 55,000 TNVS units na kasama sa kanilang masterlist at ang aplikasyon ay naisampa noong March 5 at December 15, 2018 ang kanilang kikilalanin.
Umaasa naman ang mga applicants na hatchback drivers na tatanggapin din ang mga nag-apply makaraan ang Dec. 15, 2018.
Nilinaw ni DOTr Secretary Arthur Tugade na kailangang ipatupad ng LTFRB ang Memorandum Circular (MC) No. 2018-5 na pumapayag na gamiting pampasahero ang hatchbacks unit hanggang 2021 subalit dapat na mababa lamang ang kanilang singil sa pasahe at limitado ang ruta sa Metro Manila.
Una nang nanawagan ang hatchback unit drivers at operators sa DOTr na ipatupad ang MC 2018-5 upang sila ay makapaghanapbuhay.
Sinasabing ilan sa mga operators ay mga OFW na bumili ng hatchback unit para sa Pilipinas na manirahan at pagkunan ng ikabubuhay ang naturang sasakyan sa pamamasada.
- Latest