Tren ng LRT-1, nagkaaberya
MANILA, Philippines — Isang tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang dumanas ng aberya sa bahagi ng Sta. Cruz, Maynila, na nagresulta sa pansamantalang pagkatigil ng operasyon ng naturang rail line, kahapon ng umaga.
Sa isang advisory, sinabi ng LRT-1 na kinaila-ngan nilang magpatupad ng ‘stop for safety’ mula Baclaran hanggang Roosevelt dahil sa nagkaa-beryang tren sa southbound ng Blumentritt Station, sa Sta. Cruz, Maynila pasado alas-7:00 ng umaga.
Hindi naman kaagad natukoy ng LRT-1 ang dahilan ng aberya, ngunit tiniyak na nagpadala sila kaagad ng technician upang ayusin ang problema.
“A stop for safety has been put in place from Baclaran to Roosevelt. Technician is already on the way to check the fault of affected train located at Blumentritt Station-SB. Please allow additional travel time of about 15 minutes,” paabiso pa ng pamunuan ng naturang rail line.
Pagsapit naman ng alas-7:25 ng umaga ay naibalik kaagad sa normal ang operasyon ng LRT-1 ngunit nagdulot na rin ito ng mahabang pila ng mga pasahero.
- Latest